Babaeng nagtangkang kumolekta ng P200-M arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng nagtangkang kumolekta ng P200-M arestado

Babaeng nagtangkang kumolekta ng P200-M arestado

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang babaeng nagpanggap na socialite at tinangkang mangolekta ng P200 milyon sa pagbebenta ng isang gusali.

Kinilala ng NBI ang suspek bilang si Maria Fe Cruz, na nagpakilala bilang "Ginger King Villavicencio" at binentahan ang Wilcon Builders ng isang gusali sa Bonifacio Global City, Taguig.

Pero lumabas umano na peke ang lahat ng kaniyang mga dokumento at ID.

Tumangging magkomento si Cruz sa paratang.

ADVERTISEMENT

Sa isa namang follow-up operation, hinuli si Jose Pabustan, ang itinuturong mastermind na nag-asikaso umano sa pamemeke ng mga dokumento at ID.

Ayon sa broker ng Wilcon Builders, akala nila'y nagsasabi ng totoo ang suspek dahil mukhang orihinal ang pinakita nitong titulo, Securities and Exchange Commission registration, at iba pang dokumento.

Nakapag-downpayment din umano sila ng P20 milyon.

Nakatanggap lang daw sila ng babala na hindi tunay na socialite ang suspek nang ideklara na sa iba pang broker ang pagbili ng gusali.

Naaresto noong 2019 ang 2 suspek dahil sa estafa, ayon sa NBI.

Kinasuhan sila ngayon ng syndicated estafa pati ang 4 nilang mga kasabwat.

Nagbabala naman si NBI Special Action Unit Executive Officer Kristine dela Cruz sa publiko na laging i-double check ang mga katransaksiyon.

Pinagpapaliwanag din ng NBI ang bangko na ginamit ng mga suspek.

Lumalabas kasing nakapagbukas sila ng corporate account gamit ang pangalan at kompanya na ginaya nila.

Pero ayon sa bangko, biktima lang din daw sila, lalo't inimbestigahan nila ang mga dokumentong isinumite sa kanila at wala silang nakitang masamang record.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.