5-anyos na bata nalunod sa dam sa Ilocos Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5-anyos na bata nalunod sa dam sa Ilocos Norte

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2021 06:34 PM PHT

Patay ang isang 5-anyos na batang lalaki matapos siya malunod sa isang dam sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte, Linggo ng tanghali.

Ayon sa hepe ng Marcos PNP na si Police Lt. Rudy James Jacalne, kasama ng biktima ang kaniyang lola, tiya, at nakatatandang kapatid na babae sa dam sa Brgy. Imelda nang mangyari ang insidente.

Habang naglalaba ang kaniyang lola ay napansin niya na nawawala ang biktima hanggang sa nagulat na lamang ito na palutang-lutang na sa dam ang apo.

"Hindi napansin 'yong bata na naligo pala at nakita na lamang na palutang-lutang," ani Jacalne.
"Hindi napansin 'yong bata na naligo pala at nakita na lamang na palutang-lutang," ani Jacalne.
ADVERTISEMENT
Tinatayang halos 7 talampakan ang lalim ng bahagi ng dam kung saan nalunod ang biktima.

Itinakbo sa ospital ang batang biktima pero hindi na naagapan pa ang trahedya.

—Ulat ni Grace Alba
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT