PatrolPH

Drug suspect patay nang 'manlaban' sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2021 10:24 PM

Isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Cabanatuan City ang namatay matapos manlaban umano sa pulisya na isang operasyon kontra droga Linggo.

Ayon kay Police Colonel Jaime Santos ng Nueva Ecija Provincial Police Office, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanilang mga operatiba sa Purok 1, Barangay Dalampang, Cabanatuan City laban kay Jayson Ando.

Nakuha sa kaniya ang isang kalibre .45 na baril, mga bala at mga sachet na may lamang hinihinalang shabu.

Aabot sa 100 gramo ang kabuuang timbang ng mga nasabat na ilegal na droga na nagkakahalaga ng P680,000.

- ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.