Pag-hack sa website ng UP Visayas, iniimbestigahan na

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2020 12:45 AM

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang University of the Philippines Visayas kaugnay ng pag-hack sa kanilang website na upv.edu.ph.

Ayon kay Anna Razel Ramirez, director for information and publication's office ng UPV, cover page lang ng website ang napasok ng hacker at hindi ginalaw ang ibang parte ng system.

Dahil sa "defacement", temporaryong na-take down ang web server pasado alas-5 Huwebes ng hapon at nai-reroute sa UP system website ang up.edu.ph.

Dagdag pa ni Ramirez, tila gustong subukan ng hacker ang security at kahandaan ng unibersidad.

Sa mensahe ng hacker na nagpakilala bilang "You Know Who" tinumbok nito ang kahalagahan ng pag-invest dahil sa "highly digitized world".

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.