Naaagnas na bangkay ng matandang mag-asawa, natagpuan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Naaagnas na bangkay ng matandang mag-asawa, natagpuan

Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Jun 13, 2019 04:20 PM PHT
SAN JOSE, Camarines Sur – Pinatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang matandang mag-asawa matapos na looban ang kanilang bahay sa Barangay Kinalansan sa nasabing bayan.

Miyerkoles na ng hapon nang madiskubre ang naaagnas nang mga bangkay ni Ely Balcueva, 80-anyos, at Nelly, 86, sa loob ng kanilang kuwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng sa pinto sa likod ng bahay dumaan ang pumatay sa mag-asawa.

“Yung lock ng pintuan sa kusina na gawa sa kahoy ay sira na at doon ang pwedeng naging daan para makapasok ang mga suspek,” ayon kay Police Senior Master Sergeant Rodolfo Rivero.

Pagnanakaw ang motibo na tinitingnan ng pulisya sa krimen dahil na rin sa nagkalat na mga gamit ng mag-asawa sa kwarto. Pero natagpuan ng pulisya ang bag ni Nelly na naglalaman ng nasa P25,000.

Dahil nasa state of decomposition na ang mag-asawa nang makuha, hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Hinihintay rin ng pulisya ang resulta sa ginawang awtopsiya ng Camarines Sur Police Crime Laboratory.

Ayon sa kanilang anak na si Emy, limang araw niyang hindi nakita ang mga magulang na inakala niyang dumalo sa pistahan.

“Yung alalay ni mama sa ricefield, bumalik-balik, simula nung Friday-Saturday-Sunday. Ayaw namang pumasok nung alalay then sabi ko... baka pumunta ng Laghang kasi fiesta, [June] 9 and 10 fiesta. Kaya naka-ano sa utak ko naki-fiesta sila,” sabi ni Emy.

May person of interest na ang pulisya pero hindi muna pinangalanan.

Dagdag naman ni Emy na pinagnakawan na rin ang kaniyang mga magulang noong nakaraang taon.

“Hindi ko matanggap na ganun ang nangyari sa magulang namin. Sabi ko nga, kung pera lang yung gusto ba’t ‘di na kinuha, pati buhay ng parents ko. Saka wala na yang laban, matatanda na ‘yan,” ani Emy.

Parehong retiradong mga guro ang mga biktima na kahit may edad na ay malakas pa at nagtutulungan sa pag-asikaso ng kanilang palayan.