Paglipana ng mga langaw sa Leyte, inireklamo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paglipana ng mga langaw sa Leyte, inireklamo

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2018 04:48 AM PHT

LEYTE - Inirereklamo ng mga residente ng Barangay Zaragosa sa bayan ng Matalom ang perwisyong dulot ng mga langaw mula umano sa mga poultry farm.

Ayon sa isang residente, halos araw-araw na umano itong sitwasyon sa kanilang lugar.

Hinala niya na hindi maayos ang pagtapon sa dumi ng mga manok. Mapapansin din ang mga nakasakong dumi sa gilid ng daan.

May 3 poultry farm sa barangay habang marami ring poultry farm sa buong bayan.
May 3 poultry farm sa barangay habang marami ring poultry farm sa buong bayan.
ADVERTISEMENT
Nangangamba ngayon ang mga residente na magdulot ito ng iba't ibang sakit.

Dahil sa paglipana ng mga langaw, apektado na rin ang kanilang oras sa pagkain.

Gumawa na ng petisiyon ang mga residente upang mabigyan ng solusyon ang problema.

Pinuntahan ng ABS-CBN News ang mga tinukoy na poultry farm pero wala roon ang mga may-ari nito.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang isang may-ari ng poultry farm na dating konsehal.

Sinubukan din ng ABS-CBN News na kunan ng pahayag ang isang opisyal ng bayan na umano'y may-ari sa isang poultry farm ngunit wala ito sa kaniyang bahay. - ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News