Apelyido ng tatay na hindi kasal, puwede bang dalhin ng anak? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Apelyido ng tatay na hindi kasal, puwede bang dalhin ng anak?

Apelyido ng tatay na hindi kasal, puwede bang dalhin ng anak?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kabilang sa mga karapatang pantao na kinikilala ng ating bansa para sa mga bata ay ang pagkakaroon ng pangalan.

Ngunit paano ito tinitingnan ng ating batas para sa mga illegitimate child o mga anak ng hindi kasal na magulang?

Isang isyu na kailangan pag-usapan ng mga nagsasama o live-in partners ay kung kanino nila isusunod ang apelyido ng kanilang anak.

Kung dati ay sa apelyido ng nanay awtomatikong isinusunod ang apelyido ng bata, ngayon ay maaari na rin dalhin ng anak ang apelyido ng tatay.

ADVERTISEMENT

Ito ay matapos ang pagsasabatas ng Republic Act 9255 o mas kilala sa tawag na "Revilla law" na sumususog sa Family Code of the Philippines.

Binibigyang karapatan ng batas ang mga itinuturing na illegitimate child na dalhin ang apelyido ng kanilang ama.

"Mahalaga itong batas na ito dahil kumbaga, 'yong mga non-marital children...wala naman silang kasalanan," ani Atty. Noel del Prado sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

"Dahil sa ganitong sitwasyon ay nagkakaroon ng diskriminasyon, mabuti rin na may pagpapantay sa karapatan na magamit ang apelyido ng kanilang ama," dagdag ni del Prado.

Inilatag din ng abogado ang mga paraan upang maisunod ng tatay ang apelyido nito sa kaniyang anak.

Maaaring pirmahan ng tatay ang certificate of live birth pagkasilang sa sanggol bilang pagkilala nito sa bata.

Aniya, posible pa ring mapirmahan ng ama ang birth certificate kahit na nakalagay doon na hindi ito kasal sa ina ng bata.

Posible ring maglabas ng notaryadong affidavit o sinumpaang salaysay ang tatay na kinikilala nito ang bata.

Kung nasa malayo naman ang tatay, maaari itong magpadala sa ina ng bata ng liham ng pagkilala na sulat kamay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.