Dating seaman, arestado sa drug bust | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating seaman, arestado sa drug bust
Dating seaman, arestado sa drug bust
Fred Cipres,
DZMM
Published Jun 13, 2017 10:53 AM PHT

Arestado ang isang dating seaman sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City Martes ng hatinggabi.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Auayang, alyas Estong, 56, at nakatira sa Planas 1, Barangay Kaunlaran.

Ayon kay Superintendent Louise Benjie Tremor, pumunta ang isang informant sa Station 7 ng Quezon City Police District para ireport ang nagaganap na bentahan ng ilegal na droga sa likod lamang ng naturang estasyon.

Agad na nagkasa ng buy-bust operation ang District Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Senior Inspector Ramon Akyatan. Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200.

Hinuli kaagad si Auayang matapos ang transaksiyon.

Kwento ni Kagawad Ann Padolina, nagulat siya na nahuli si Auayang. Mabait umano ang pagkakakilanlan nila sa suspek at matulungin ito sa iba. Alam nila na gumagamit ngunit hindi naman ito kasama sa mga kinatok noong Oplan Tokhang.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. – Umagang kay Ganda, 13 June 2017