PatrolPH

Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa Tacloban

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2019 08:55 AM

Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa Tacloban 1
Wala pang pagkakakilanlan ang lalaking natagpuang palutang-lutang sa Cancabato Bay sa Tacloban City. Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Cancabato Bay sa Barangay 25, Paterno sa Tacloban City nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, ilang mangingisda ang nakakita sa bangkay at agad na ipinagbigay-alam ito sa Fishery Law Enforcement Team.

Walang damit pang-itaas ang lalaki at nakasuot lamang ng itim na shorts. Tinatayang nasa pagitan ng edad na 40 hanggang 45 ang lalaki.

Wala ring nakitang sugat sa bangkay. Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan sa lalaki. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.