Umano'y tulak ng droga patay sa 'panglalaban' sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 11:30 PM

Patay ang isang itinuturong tulak ng droga matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa Zaragoza, Nueva Ecjia nitong Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, nauwi sa engkwentro ang isang anti-narcotics operation sa Brgy. Sta Lucia Young kung saan target ang nasawi na is Ai Taberna.

Nasa P10,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng pulisya sa naturang operasyon.

Isang kalibre .357 na Smith and Wesson pistol din umano ang narekober ng mga awtoridad.

—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.