9 sugatan sa pag-araro ng pick-up sa transport terminal sa Capiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 sugatan sa pag-araro ng pick-up sa transport terminal sa Capiz

9 sugatan sa pag-araro ng pick-up sa transport terminal sa Capiz

ABS-CBN News

Clipboard

Nagtuloy-tuloy sa mga nakaparadang tricycle, motorsiklo at food stall ang pick-up na nagresulta sa pagkakasugat ng 9 na katao sa Pontevedra sa Capiz. Larawan muna sa Pontevedra Police

Sugatan ang siyam na katao matapos araruhin ng isang pick-up ang transport terminal sa Barangay Poblacion Ilawod, Pontevedra, Capiz, Martes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Pontevedra Police, paliko na ang pick-up sa lugar nang mawalan ng kontrol ang driver nito at nagtuloy-tuloy sa mga nakaparadang tricycle, motorsiklo, nagbebenta ng pagkain, at ang mga bumibili.

Sa lakas ng pagkabangga ay naipit pa ang ilang biktima at nasira ang ilang food stall sa lugar.

Kaagad naman na rumesponde ang Pontevedra Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at dinala sa ospital ang mga biktima.

ADVERTISEMENT

Umabot sa siyam na katao ang nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan at may mga nabalian pa ng paa.

Nasa ligtas na kalagayan naman ang mga biktima na nagpapagaling na sa ospital.

Samantala, nakakulong na ang driver ng pick-up at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to properties.

Napag-alaman din ng awtoridad na naka-inom ng alak ang driver ng pick-up nang mangyari ang aksidente.

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.