Ubos ang suplay: Pagbabakuna laban sa COVID-19 hinto muna sa Antipolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ubos ang suplay: Pagbabakuna laban sa COVID-19 hinto muna sa Antipolo

Ubos ang suplay: Pagbabakuna laban sa COVID-19 hinto muna sa Antipolo

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Tinurukan ni dating Antipolo Mayor Jun Ynares ng COVID-19 vaccine si Antipolo City Health Officer Dr. Concepcion Garcia Lat noong Marso 4, sa pag-arangkada ng COVID-19 vaccination drive sa lugar. Bianca Dava, ABS-CBN News/File

Nag-anunsyo ang lokal na pamahalaan (LGU) sa lungsod ng Antipolo sa Rizal na ititigil muna ang pagbabakuna ng first dose ng COVID-19 vaccine sa mga residente nila dahil ubos na ang suplay.

Sa social media post ng LGU noong Lunes, wala na kasing ibinigay na bakuna sa lungsod ang IATF at Department of Health.

Ayon sa lungsod, inuunang mapadalhan ng bakuna ang mga lungsod sa Metro Manila.

Wala pa umano sa 10 porsiyento ang bilang ng nakukuha nilang bakuna kumpara sa mga lungsod gaya ng Maynila at Quezon City.

ADVERTISEMENT

Sabi ng LGU: “Sana all madaming bakuna tulad ng Metro Manila.”

Noong Abril 30 nagsuspende rin ng online registration ang Antipolo Vacc Operations Center dahil sa kawalan ng suplay ng bakuna sa lungsod.

Pero nanawagan pa rin ang LGU sa mga residente na patuloy pa ring magparehistro habang hinihintay ang susunod na batch ng mga bakuna sa Antipolo.

Maaari itong gawin online sa paggawa ng account sa webpage ng Antipolo Bantay COVID o sa mga vaccine registration help desks sa barangay, mga pampublikong ospital at mga vaccination center sa ilang mga mall sa lungsod.

Magmula Hunyo 6, may 5,965,651 nang nababakunahan kontra COVID-19. Sa bilang, mahigit 1.5 milyon ang fully vaccinated na ng 2 dose ng bakuna.

Katumbas ito ng 2.66 porsiyento ng target na 58 milyong Pilipinong dapat mabakunahan para makamit ang herd immunity kontra COVID-19.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.