Duterte: Mga may COVID na di nag-iingat makahawa sa iba maaaring kasuhan ng murder | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte: Mga may COVID na di nag-iingat makahawa sa iba maaaring kasuhan ng murder

Duterte: Mga may COVID na di nag-iingat makahawa sa iba maaaring kasuhan ng murder

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 08, 2021 07:14 PM PHT

Clipboard

People visit stalls in Divisoria in Manila on March 20, 2021, the same day health authorities tallied 7,999 cases of COVID-19, the highest so far. George Calvelo, ABS-CBN News/file

(UPDATE) MAYNILA — Sumang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na maaaring mapanagot sa kasong murder ang mga may COVID-19 na hindi nag-iingat para hindi makahawa ng iba.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force Lunes ng gabi, ipinaliwanag ni Panelo na may mga mabibigat na parusa na maaaring ipataw sa mga patuloy na lumalabag sa health protocols na itinakda ng gobyerno.

"Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupuwede iyon pumasok sa homicide. Pero kung maselan ito na sugat o injury, maaaring reckless imprudence resulting to physical injury or depende kung serious or less serious," ani Panelo.

"Pero kung alam niya, at pumunta sa isang lugar at may sakit siya ng coronavirus, at namatay, ay iyan po ay talagang sadyang pagpatay iyan. Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional," aniya.

ADVERTISEMENT

Sagot naman ni Duterte: "Iyong sabi mong murder, although medyo malayo siguro sa isip ng tao iyan, but it is possible. If he knows that he is sick with COVID-19, and he goes about nonchalant, papasyal-pasyal ka lang diyan."

Bukod sa homicide at murder, maaari rin umanong mapanagot ang mga sumusuway sa health protocols sa mga kasong resistance or disobedience to authorities at paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ayon kay Panelo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Iniulat naman ni Interior Secretary Eduardo Año na mula Mayo 31 hanggang Hunyo 6, pumalo sa 50,021 ang mga nasitang hindi nagsusuot ng face mask.

Umabot naman umano sa 613 ang dumalo sa mass gathering habang 13,882 naman ang hindi sumunod sa physical distancing.

Sa bilang na iyon, higit 1,000 na ang nasampahan ng kaso sa korte.

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na maaaring kasuhan ng murder ang may COVID-19 na nakahawa ng iba dahil sa kapabayaan, pero magiging hamon anila ang pagpapatunay sa intensiyong pumatay para mapanagot ang isang indibidwal sa nasabing kaso.

"Hindi lang may intensiyong magkalat ng virus kundi may intensiyong pumatay. At kung murder 'yan, dapat 'yong intensiyon na 'yan, dapat pinagplanuhan o kaya patraydor," ani IBP National President Domingo Cayosa.

Naniniwala naman si National Union of Peoples' Lawyers Secretary General Edre Olalia na malabong umusad ang ganoong paraan ng pagpapanagot sa mga sumusuway sa health protocols.

Samantala, hinikayat ni Duterte ang publiko na tapusin ang pagbabakuna hanggang second dose.

Ito ay matapos sabihin ng Department of Health na 9 porsiyento ng mga nabakunahan ng first dose o 113,000 tao ang hindi bumalik para sa ikalawang dose.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala rin ang pangulo sa wastong pagtatapon ng medical waste, lalo na ang mga gamot na ginamit sa COVID-19 patients.

Samantala, pinag-aaralan naman ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang panukalang luwagan ang quarantine protocols sa mga pumapasok sa bansa na nabigyan ng kompletong bakuna abroad.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.