Davao City 'nanguna' sa average ng bagong COVID-19 cases sa unang linggo ng Hunyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Davao City 'nanguna' sa average ng bagong COVID-19 cases sa unang linggo ng Hunyo

Davao City 'nanguna' sa average ng bagong COVID-19 cases sa unang linggo ng Hunyo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Naungusan na ng Davao City ang Quezon City bilang lugar sa bansa na may pinakamataas na average ng mga bagong kaso ng COVID-19 para sa unang linggo ng Hunyo.

Sa report na inilabas ng OCTA Research Group, 213 ang average na bagong kaso ng lungsod kompara sa 207 ng Quezon City na siyang laging nangunguna sa listahan.

Si Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabing hindi patas na ikompara ang Davao sa Quezon City dahil magkaiba umano ang sitwasyon ng 2 lungsod. Marami aniyang nagpupunta sa Davao City para magpatingin.

"Hindi rin po maaalis iyong katotohanan na dahil ang Southern Philippine Medical Center caters to everyone in Southern Philippines, iyong mga datos ng mga COVID-19 cases include cases from the neighboring areas," ani Roque.

ADVERTISEMENT

Ang mga lugar sa probinsiya na nakaranas ng mataas na bilang ngayon, matatandaang dati ring lugar na maluwag ang community quarantine status.

Kaya para kay ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido, iisa lang ang ibig sabihin nito.

"Nakikita natin talagang nagkakaroon ng shift sa epicenter. On a micro level naman, talagang hindi pwedeng maging kampante whether GCQ or MGCQ kasi ang bilis mangyari ng surge and it can happen anytime at once na magsimula 'yan, sobrang bilis," ani Guido.

Kung may maganda mang balita sa ngayon, ito ay ang patuloy na pagbaba ng kaso sa NCR.

Sa loob kasi ng 3 buwan, ito ang unang beses na bumaba sa 1,000 ang average daily cases sa NCR.

Pero dapat ding maintindihan na ang 980 kaso sa NCR ay mas mataas pa rin kompara sa kaso bago magka-surge. Kaya hindi rin maganda kung mananatili sa ganitong antas ang kaso sa rehiyon.

"So hindi tayo puwedeng mag-plateau sa level na ito. Kailangan makita natin ang sustained decrease at mapababa pa natin to pre-surge levels," ani Guido.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.