Babaeng kukuha ng sahod nasagasaan ng jeep, patay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng kukuha ng sahod nasagasaan ng jeep, patay

ABS-CBN News
Published Jun 08, 2019 02:44 PM PHT
|
Updated Jun 08, 2019 07:43 PM PHT

Patay ang isang babae matapos mabundol at pumailalim sa jeep habang tumatawid sa pedestrian lane sa Maynila nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Christina Flores, na papunta sanang remittance center mula bahay para kunin ang kaniyang buwanan na sahod bilang administrative staff ng isang negosyo abroad.

Sa kuha ng CCTV, tumatawid sa pedestrian lane ng Estrada St. sa Malate si Flores bago mag-alas-3 ng hapon.

May 30 segundo pa bago mag-berde ang stoplight nang tumawid ang babae.

ADVERTISEMENT
Nakahinto na rin ang mga sasakyan dahil sa stoplight pero biglang lumiko sa Estrada St. ang isang jeep at doon na nabangga ang biktima.

Nilagyan ng mga kalso ang jeep at pinagtulungan itong buhatin ng mga rescuer para makuha si Flores.

Pero kinalauna'y namatay ang biktima dahil sa dami ng bali sa katawan.

Ayon sa driver ng jeep na si Nerio Jumawan, hindi niya nakitang tumawid si Flores hanggang sa matamaan na lang niya ito.

"Di ko napansin, sorry na lang," ani Jumawan.

Naulila ni Flores ang kinakasama at anak na mahigit 1 taong gulang.

“Kainin siya ng konsensiya niya, kahit matanda na siya, may pamilya siya, ito bata pa,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Eloisa Flores, kapatid ng biktima.

Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT