6 na bahay nasunog sa QC

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 02:23 PM

MAYNILA – Anim na bahay ang natupok ng apoy sa Road 2, Bagong Silangan, Quezon City, Sabado ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay. 

Isang lalaki naman ang isinugod sa ospital matapos malapnos ang magkabilang braso.

Isa sa mga tinitingnang sanhi ng sunog ng BFP ay ang palyadong kable ng kuryente.

Inaalam pa kung ilang pamilya na pawang informal settlers ang naapektuhan sa sunog.

Hindi pa rin mabatid ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.