Higit 400 kawani ng call center company sa Davao City positibo sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 400 kawani ng call center company sa Davao City positibo sa COVID-19

Higit 400 kawani ng call center company sa Davao City positibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Nagpositibo sa COVID-19 ang 403 na kawani ng isang call center company sa Davao City, ayon sa isang local health officer ngayong Lunes.

Sa isang virtual presser, sinabi ni Dr. Marjorie Culas, assistant city health officer ng siyudad, na nasa 1,000 empleyado ng kompanya ang isinailalim sa swab test matapos ilan sa kanila ang unang nagpositibo sa sakit.

“That is high already. High positivity rate. We are really forced to lockdown the area. Talagang surge na within the workplace ang nangyari sa kanila," ani Culas.

Temporaryong naka-lockdown ngayon ang kompanya na hindi pinangalanan ng mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Culas, maraming business process outsourcing companies ang nagkaroon ng transmission ng sakit sa kanilang office spaces.

“Nag-heighten ang ating surveillance through swabbing our suspect and probable people,” aniya.

Sa ngayon, nasa 11 call center companies ang nakapagtala ng mga kaso ng COVID-19.

Samantala, nasa 26 na establisimyento naman ang marami ring kaso ng COVID-19. Kabilang dito ang government offices, stores, bangko, simbahan, pati mga food at non-food establishments.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

-- Ulat ni Chrislen Bulosan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.