Cotabato Regional Medical Center puno na ng mga COVID-19 patient | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cotabato Regional Medical Center puno na ng mga COVID-19 patient

ABS-CBN News
Published Jun 07, 2021 07:07 PM PHT

COTABATO CITY — Puno na ang Cotabato Regional Medical Center (CRMC), na nag-iisang ospital kung saan dinadala at naka-admit ang mga pasyente ng sakit sa lungsod, dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani sa ipinalabas nitong recorded speech noong Sabado.

Dagdag pa nito ay hindi na rin sapat ang bilang ng mga healthworkers na nagtatrabaho ngayon sa CRMC kaya’t kailangan na nilang magdagdag.

“Now is the time that we take COVID-19 seriously. Para po sa inyong impormasyon, napuno na pong muli ang ating COVID-19 referral hospital at sa katunayan ay nagkukulang na po tayo sa mga healthworkers dahil maging sila ay hindi ligtas sa virus,” ani Guiani.

ADVERTISEMENT
Lumalabas sa contact tracing ng city health office na talamak ang transmission ng sakit sa mga taong nakatira sa iisang bahay.

Dahil dito, ipinagbabawal na ng alkalde ang home quarantine.
“Kahit may sariling kwarto ang COVID-19 patients ay hindi pa rin maiwasan na mahawa ang mga tao sa loob ng bahay,” ani Guiani.

Popondohan naman ng LGU ang pambili ng supply ng mga oxygen tanks, kama, PPE at iba pang pangangailangan sa ospital.

Sa buong buwan ng Mayo, nakapagtala ng 332 active cases ang lungsod.

Magpapatupad ng mas istriktong regulasyon ang mga awtoridad at patuloy na nagpapaalalang sundin ang mga guidelines.

--Ulat ni Chrislen Bulosan
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT