Operasyon ng LRT pansamantalang sinuspinde dahil sa 'technical problem' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Operasyon ng LRT pansamantalang sinuspinde dahil sa 'technical problem'

Operasyon ng LRT pansamantalang sinuspinde dahil sa 'technical problem'

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng LRT-2 Biyernes dahil sa "technical problem," ayon sa pamunuan ng tren sa isang pahayag.

Sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nireresolba na ang sira ngunit hindi nito ibinigay ang detalye kung ano ang naging problema sa tren.

Ayon sa ilang pasahero, bigla na lamang huminto ang tren Biyernes ng umaga ilang saglit matapos umalis sa Anonas Station sa Quezon City.

Bumalik muli ang naturang tren sa istasyon kung saan pinababa na lahat ng pasaherong lulan nito.

ADVERTISEMENT

Noong nakaraang buwan ay 2 tren ng LRT-2 ang nagbanggaan sa pagitan ng mga estasyon ng Cubao at Anonas.

Sinabi ng LRTA na "isolated" na kaso ang naturang insidente kung saan 34 tao ang nasugatan.

Ang LRT-2 ay bumabagtas mula sa Recto sa Maynila hanggang sa Santolan sa Quezon City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.