PNP nagpaalala: Bullying sa kaklase, labag sa batas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP nagpaalala: Bullying sa kaklase, labag sa batas

ABS-CBN News
Published Jun 07, 2018 10:27 PM PHT

Kasabay ng balik-eskuwela ngayong linggo, nagpaalala ang mga awtoridad laban sa pang-aaping maaaring maranasan ng mga estudyante sa paaralan.

Ayon kay Chief Inspector Bryan Gregorio, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), mainam na ipagbigay alam agad sa guro o sino mang awtoridad ang mga insidente ng pananakit o pang-aabuso mula sa kapwa-estudyante.

"Turuan natin silang magsumbong, una sa school authorities kung doon sila binully," sabi ni Gregorio sa panayam ng programang "Red Alert."

"Ire-enforce natin sa ating mga anak na hindi sila dapat matakot magsumbong kasi kung hindi sila magsusumbong, all the more na magiging biktima sila," dagdag ni Gregorio.

ADVERTISEMENT
Ipinagbabawal sa batas ang pangha-harass ng estudyante sa kaniyang kapuwa estudyante.

Kung mapatunayang nagkasala, maaaring maparusahan ang estudyanteng "bully" ng community service, suspension, exclusion o expulsion sa paaralan.

"We educate our children that bullying is against the law. 'Pag nare-enforce natin 'yan sa ating mga anak, alam nilang bawal 'yan," ani Gregorio.

Umabot sa 19,672 kaso ng peer violence o bullying sa bansa ang naitala noong nakaraang taon ng Department of Education.

Ayon naman sa psychologist na si Paz Manaligod, dapat sa pamamahay pa lang ay itinuturo na ng mga magulang sa bata ang tamang asal para maiwasan ang agresibong pag-uugali.

"Importante aware na din 'yong mga bata through the parents, as in sila ang first teachers. And it happens, so preventive talaga 'to," ani Manaligod.

"Important din sa mga parents, even sa bahay... like even the way we speak to our children or to others. Dapat hindi mataas 'yong boses, palaging nagagalit," dagdag niya.

Nakabubuti rin sa mga ganitong sitwasyon kung komportable ang mga batang kausap ang kanilang mga magulang.

"Pumapasok na importante 'yong open communication sa mga magulang so that kung ano man 'yong ma-feel nila na parang masamang nangyari sa kanila, they can talk about it," ani Manaligod.

Para sa dagdag na ligtas tips, sundan ang “Red Alert” sa Facebook (fb.com/RedAlertABSCBN) at Twitter (@ABSCBNRedAlert).