Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Ormoc | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Ormoc
Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Ormoc
Jenette Ruedas,
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2020 11:46 PM PHT

Naitala nitong Biyernes ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Ormoc City, Leyte.

Ayon sa Department of Health, ang lalaking pasyente ay may edad 46 at overseas Filipino worker (OFW) mula Saudi Arabia.

Dumating ang lalaki sa Tacloban City noong Mayo 27 sakay ng eroplano at agad kinuhanan ng swab sample matapos sunduin ng lokal na pamahalaan ng Ormoc.

Dismayado si Ormoc City Mayor Richard Gomez na meron nang kaso sa lungsod matapos ang mga ginawang paghihigpit nito simula noong Marso.

"’Yung apprehensions ko as mayor, ‘yung kinatatakutan ko as mayor na matamaan ang Ormoc City sa COVID-19, nangyari na,” aniya.

Nagnegatibo sa COVID-19 ang lalaki ng suriin sa Metro Manila, pero lumabas na positibo ito sa sakit nang i-swab test ulit.

Panawagan ni Gomez sa ahensiya ng gobyerno, magkaroon ng tamang koordinasyon sa mga OFW na umuuwi sa kani-kanilang lugar.

"Sana lang sa mga national agencies, please lang kung magpapadala kayo ng mga tao sa probinsiya, ang request ko lang as mayor, kasi naman kami ang tumatanggap ng mga pinapadala niyo, paki-test ho muna bago niyo pasakayin ng bus, bago niyo pasakayin ng eroplano,” aniya.

“If they are positive huwag niyo munang paalisin, stay where they are,” dagdag nito.

Mas hihigpitan ngayon ng Ormoc ang kanilang health measures at border control.

Hindi na muna papayagan na pumasok sa Ormoc ang mga galing sa mga lugar na may COVID-19.