Magnitude 5.1 na lindol naitala sa Occidental Mindoro

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 10:57 PM

Mula sa website ng Phivolcs

MAYNILA - Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol and probinsiya ng Occidental Mindoro Biyernes ng gabi, ayon sa Phivolcs.

Nangyari ang pagyanig alas 9:37 ng gabi sa tinatayang 19 kilometro sa hilagang-silangan ng Calintaan.

Naramdaman ang lakas ng pagyanig sa mga kalapit na lugar, gayundin sa Bicol region, Antique at Quezon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naiulat ang Intensity 4 sa San Jose, Occidental Mindoro at Intensity 2 sa Malay, Aklan.

Inaasahan ang aftershocks bunsod ng lindol, ayon sa Phivolcs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.