Bawal sawsawan: Ilang tindahan ng street foods sa NCR nagbukas na

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 01:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ngayong isinailalim na sa general community quarantine ang Metro Manila, unti-unti nang naglalabasan ang mga manggagawa para kumita - kabilang ang mga naglalako ng street foods. 

Kasabay niyan, sumusunod sila sa physical distancing protocols. 

Ang isang tindero ng kwek-kwek sa Ramon Magsaysay sa Maynila, naglagay ng plastic cover sa kaniyang food cart. 

Naglagay rin ng alcohol ang isang tindero ng fishball at kikiam sa parehong lugar. 

Para makabawi sa ipinambili ng alcohol, napagpasyahan niyang taasan ang presyo ng kaniyang paninda. 

May karatula naman ang mga nagtitinda ng Maming Gala at Pares sa Araneta Avenue sa Quezon City na sumunod sa physical distancing protocols. 

Nilimitahan din nila kung ilan ang maaaring kumain dito. Kung dati, 14 ang puwedeng kumain sa kanilang kariton, ngayon, apat na lang. 

Ang iba, nag-take out na lang, kaya umunti ang kita nila. 

Gayunman, nagpapasalamat sila at kahit papaano ay may kaunting mapagkakakitaan sa gitna ng pandemya. 

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.