Singil sa mga school service, tumaas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Singil sa mga school service, tumaas
Singil sa mga school service, tumaas
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2018 08:50 PM PHT

Nagkaroon ng pagtaas sa singil ng mga school service sa bansa dahil sa mataas na presyo ng petrolyo, ayon sa isang grupo ng mga school service vehicle operator.

Ayon sa National Alliance of School Service Associations of the Philippines (NASSAP), nasa 10% ang itinaas ng singil sa mga school service, gaya ng school bus, ngayong pasukan.

Para kay NASSAP president Celso Dela Paz, hindi naman malaki ang ipinatupad na taas-singil.

"Hindi naman [porke] sinabi namin kami'y nagtaas, iyon talagang sobra-sobra na. Iyon bang kayang-kaya pa rin ng mga magulang," ani Dela Paz.

Sa Marikina, halimbawa, mula P1,300 hanggang P1,400 na minimum noong nakaraang taon, ngayon ay nasa P1,500 kada buwan na ang singil ng mga school service.

Mas mataas pa raw ang singil kapag malayo ang bahay ng estudyante o naka-aircon ang school bus.

Itinigil na rin ng ilang pribadong paaralan ang serbisyo nilang school bus matapos lumipat ng ilang magulang sa mas murang transportasyon gaya ng traysikel.

"Lahat ng pamamaraan para makatipid, ginagawa na ng ating parents," ani Eleazardo Kasilag ng Federation of Associations of Private Schools and Administrators.

Nasa P500 o P600 kada buwan lang kasi ang karaniwang singil sa mga traysikel.

Ang usapin hinggil sa singil sa mga school service ay sa pagitan ng mga magulang at operator dahil hindi ito hawak ng gobyerno.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
edukasyon
pag-aaral
school service
school bus
NASSAP
TV Patrol
Jacque Manabat
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT