Lalaking nagpipintura ng kalsada sugatan matapos mabundol ng kotse sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagpipintura ng kalsada sugatan matapos mabundol ng kotse sa Davao City

Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2018 10:16 AM PHT

DAVAO CITY - Nabundol ng kotse ang trabahador ng isa sa contractor ng Department of Public Works and Highways habang nagpipintura sa kalsada nitong Martes ng madaling araw.

Nagtamo ng sugat sa ulo at nahihilo si Dodoy Herda matapos ang insidente sa intersection ng Mabini Street at Quirino Avenue kaya nilapatan agad ito ng pangunang-lunas ng 911 medical team.

Ayon sa kasama nitong si Kevin Fuentibilla, hindi napansin ng kaniyang kasama ang kotse na bumundol sa kanya.

"Kalit lang may niagi wala sya kabantay nakatalikod man gud sya nakalingkod," aniya.
"Kalit lang may niagi wala sya kabantay nakatalikod man gud sya nakalingkod," aniya.
ADVERTISEMENT
(Bigla lang may dumaan, hindi siya nakabantay dahil nakatalikod siya)

Ayon sa driver ng kotse na si Joseph Ivan Manila, hindi n'ya agad nakita ang biktima sa kalsada dahil wala namang signages o suot na reflectorized vest ito.

"'Pag check nako too late na ba naa na gyud sya sa akong atbang. Sakto lang gyud paglampas nako, pag brake nako naa na gyud sya diri," aniya.

('Pag check ko, too late na, nasa harapan ko na siya. Sakto lang talaga paglampas ko, 'pag brake ko nanadito na siya)

Nangako naman ang driver ng kotse na tutulungan ang biktima sa ospital.

Pinaalalahanan naman ng awtoridad ang mga trabahador sa kalsada, lalo na ang mga nagtatrabaho sa gabi, na maglagay ng signages at magsuot ng reflector vest upang makita agad ng mga motorista at maka-iwas sa disgrasya.