HULI SA AKTO: 4 pulis-Cavite natutulog habang naka-duty | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
HULI SA AKTO: 4 pulis-Cavite natutulog habang naka-duty

ABS-CBN News
Published Jun 05, 2018 10:45 AM PHT
|
Updated Jun 05, 2018 09:39 PM PHT

MANILA - Naaktuhang natutulog ang 4 na pulis habang oras ng trabaho sa Cavite nang sorpresang mag-inspeksyon ang hepe ng lalawigan ngayong Martes.

Unang nahuli ni Cavite police chief Senior Superintendent William Segun ang isang pulis na naghihilik sa Panapaan precinct, Bacoor bandang alas-2 ng madaling-araw.

Nakapasok na si Segun sa istasyon at nalapitan ang pulis, pero hindi pa rin ito nagising.

Sunod namang inabutan ang 2 pulis sa Longos precinct, Bacoor na bagong gising lamang. Umani sila ng sermon mula sa opisyal.

Isa pang pulis ang nahuling natutulog sa outpost sa Daang Hari Road, Imus kasama ang isang babae.

Giit ni Segun, dapat laging alerto ang mga pulis at walang karapatan ang mga ito na matulog habang naka-duty.

Posible aniyang malipat ng istasyon o masuspende ang mga nahuling pulis, pero bibigyan din sila ng pagkakataon na depensahan ang sarili.

Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT