Sari-saring grupo sumugod sa lansangan para iprotesta ang anti-terror bill | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sari-saring grupo sumugod sa lansangan para iprotesta ang anti-terror bill

ABS-CBN News
Published Jun 04, 2020 05:31 PM PHT

MAYNILA — Kahit sa panahon ng pandemya, hindi nagpapigil ang sari-saring grupo para ipahayag ang kanilang pagkondena sa kontrobersiyal na anti-terrorism bill.

Dinala ng mga aktibista sa kalsada, sa gitna ng pandemyang COVID-19, ang kanilang galit sa anti-terror bill.

Mabilisan ang pagpasa ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi sa panukala at pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging ganap na batas ito.

Reklamo ng mga nagpoprotesta, madaling targetin ng batas ang mga ordinaryong tao na maaari nang mabansagang terorista at makulong nang hanggang 14 na araw nang walang warrant.

Bukod sa mga placard, hindi kinalimutan ng mga raliyista ang physical distancing at ang kanilang face masks.

"Payag ba kayo na arestuhin nang walang warrant? Hindi! Kasama 'yan doon. Payag ba kayo na makulong 14 hanggang 24 days nang walang kaso, hindi! Kasama yan," ani ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

"Kasi ngayon pa lang na wala pang anti-terror bill meron nang mga pang-aabuso, what more kung magkaroon pa [niyan]," ani Rowie Altura, aktibista.

ONLINE PROTEST
Sa Facebook naman idinaan ng grupong Akbayan Youth at iba pa ang kanilang protesta.

Mayroon ding cultural performance bilang protesta sa panukalang batas.
"If they push, we need to push back harder kasi sabi nga nila ang karapatan minsan hindi binibigay, ipinaglalaban natin," ani Jose Manuel Diokno, human rights lawyer.

"Okay lang matakot, hindi masamang matakot, nakakatakot naman talaga, [pero] wag tayong maduduwag," ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros.

Ayon sa mga lider ng grupo, hindi dito natatapos ang kanilang pagtutol, online man o sa kalsada, tuloy ang kanilang protesta laban sa mga paglabag sa karapatang pantao.

—Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT