6 nagprotestang jeepney driver ikukulong 'hanggang makapagpiyansa' - pulisya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 nagprotestang jeepney driver ikukulong 'hanggang makapagpiyansa' - pulisya

ABS-CBN News
Published Jun 04, 2020 09:09 AM PHT
|
Updated Jun 04, 2020 09:29 AM PHT

MANILA — Manananatili sa kulungan "hanggang makapagpiyansa" ang 6 na jeepney driver na inaresto matapos magprotesta sa Caloocan para himukin ang gobyerno na payagan silang muling makapasada kasabay ng pagluluwag ng coronavirus lockdown ng bansa, sinabi ng pulisya, Huwebes.

Inaresto nitong Martes ang 6 na driver dahil tumanggi silang itabi ang kanilang protestang nakakaabala sa trapik sa EDSA, ani Caloocan police chief Col. Dario Menor.

"Maayos naman po iyong panawagan namin. Makikita naman po doon sa video na kuha nila na sila po ay resisting pa rin so talagang nag-insist sila na doon sila," aniya sa panayam ng TeleRadyo.

Na-inquest na aniya nitong Miyerkoles ang mga driver kaugnay ng disobedience to authority, paglabas sa kanilang tahanan nang walang pahintulot at paglabag sa physical distancing.

Sa korte na aniya nakasalalay ang kustodiya ng mga driver at mananatili sila sa kulungan "hanggang makapagpiyansa po sila," ani Menor.

"Masakit man po iyan ang talagang naging kapalaran nga po kaya nga kami'y nananawagan na huwag daanin sa ganiyang pamamaraan," sabi niya.

"Hindi naman nagkukulang ang gobyerno sa kanila sa Caloocan, binibigyan naman po talaga ng ayuda ang mga iyan."

'WALANG AYUDA'
Ayon kay Steve Ranjo, secretary general ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), hindi nakatanggap ang mga nagprotestang driver ng ayudang pinansyal mula sa social welfare at labor department,

Kusa rin aniyang sumama ang 6 na driver sa pulisya dahil inakala nilang makakausap nila si Caloocan Mayor Oscar Malapitan nang dalhin sila sa munisipyo.
"Kaya nagtataka sila bakit napunta na sa pagkakahuli nila at pagkakakulong nila itong buong pangyayari," sabi niya sa hiwalay na panayam ng TeleRadyo.
Walang abogado ang mga driver nang arestuhin sila, sabi ng isa sa kanila na si Ruben Baylon.

"Akala namin papauwiin na kami at iyon naman ang usapan. Kakausapin lang para pag-usapan iyong mga issue. Ang kagustuhan lang po kasi namin, makabalik na sa hanapbuhay," sabi niya sa TeleRadyo.

Ipinagbabawal aniya na "imbitahan" ng pulisya ang sinuman para tanungin nang walang abogado dahil maituturing na ito bilang isang imbestigasyon, sabi ni National Union of Peoples Lawyers (NUPL) president Edre Olalia.

"Imbestigasyon na iyon. Iyong karapatan mong manahimik at sa abogado ay nag-uumpisa na. Ibig sabihin, hindi ka pupuwedeng tanungin nang hindi ka pinapayuhan na ikaw ay may karapatan, iyong tinatawag na Miranda rights," paliwanag niya.

Binatikos din ni Olalia ang pag-aresto sa mga driver na aniya'y "sana pinauwi na lang."

"Nakakaawa na iyong mga pobre, nagugutom na nga tapos hindi consistent ang pag-apply ng batas. Bakit ito pa ang kanilang pinagtutuunan ng pansin?" sabi niya sa TeleRadyo.

Sinang-ayunan ito ng driver na si Baylon na umaray sa piyansang kailangan para makalaya. "Hindi naman siguro makatarungan iyon, dahil wala na nga kaming pera," sabi niya.

Nagpadala na ng abogado ang NUPL para kumatawan sa grupo ni Baylon, ani Olalia.

PAGBABAWAL SA MGA JEEPNEY
Ipinagbabawal pa rin ang pagpasada ng mga jeepney sa mga lugar sa ilalim na pinaluwag na lockdown o general community quarantine dahil pinag-aaralan pa kung paano maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa sasakay rito, ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pinag-iisipan din aniya ng pamahalaan na kuhanin ang mga jeepney driver bilang "contact tracers" na maghahanap sa mga taong nakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19.

Nakagpagbigay na ang social welfare department ng ayudang pinansyal sa hindi bababa sa 36,200 jeepney driver, ayon sa tagapagsalita ng ahensya na si Irene Dumlao.

Nakatanggap din aniya ng tulong ang hiwalay na grupo ng 36,100 driver ng public utility vehicles. Hindi tiyak kung ilan sa mga ito ang jeepney driver dahil hindi ito nakasaad sa listahan ng mga benepisyaryong inirekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Una nang sinabi ni PISTON national president emeritus George San Mateo na hiningi niya ang paliwanag ng pamahalaan kung gaano kaligtas ang mga pasahero mula sa coronavirus sa loob ng mga sarado at air-conditioned na sasakyan.

"Kung 'yang mga 'yan pinayagan ng gobyerno na pumasada eh mas dapat lalong payagan magbalik-pasada ang mga orig at traditional jeepneys dahil mas ligtas ang pasahero sa jeepneys dahil ito ay open at malayang nakakadaloy ang hangin," sabi niya sa isang statement.

"Maawa naman at magkaroon sana ng konsensya gobyerno sa daan daang libong jeepney drivers at maliliit na operators na lagpas 2 buwan na walang hanapbuhay," dagdag niya.

Read More:
DZMM
jeepney drivers
jeepney drivers arrested protest
Caloocan
metro
lockdown
lockdown transportation
Piston
human rights
lockdown aid
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT