12 kawani ng Manila city hall positibo sa coronavirus rapid test | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

12 kawani ng Manila city hall positibo sa coronavirus rapid test

12 kawani ng Manila city hall positibo sa coronavirus rapid test

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

A lone pedicab driver still waits for a passenger even as there are few outside the Manila city hall on March 23, 2020. Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News/File

MANILA — Nagpositibo sa rapid antibody test para sa new coronavirus ang 12 kawani ng Manila City Hall, kinumpirma ng lokal na pamahalaan Huwebes, ika-4 na araw ng pinaluwag na pandemic lockdown sa Metro Manila.

Kabilang ang 12 sa 743 empleyado ng pamahalaang lungsod na dumaan sa naturang screening mula noong Lunes, ayon sa Manila Public Information Office.

Agad na isinalang sa confirmatory swab testing ang 4 sa 12 kawani, habang hinihintay pang makuhanan ng sample ang 8 sa kanila.

Nasa 436 pasyente na ang gumaling mula sa COVID-19 sa Maynila habang 960 ang aktibong kaso ng naturang respiratory disease doon, ayon sa Hunyo 3 na datos ng city government.

ADVERTISEMENT

Nasa 1,414 ang itinuturing na mga suspected cases at 60 ang probable cases habang nasa 104 ang mga nasawing pasyente dahil sa coronavirus.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.