City police director ng Cagayan de Oro, pumanaw na matapos maaksidente | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
City police director ng Cagayan de Oro, pumanaw na matapos maaksidente

Rod Bolivar,
ABS-CBN News
Published Jun 04, 2019 11:53 PM PHT

CAGAYAN DE ORO CITY - Kinumpirma ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) na pumanaw Martes ng hapon si City Director Police Colonel Nelson Aganon.

Labing tatlong araw na na-confine sa intensive care unit sa hospital si Aganon matapos maaksidente sa training ng Philippine National Police (PNP) Motorcycle Riding Course noong May 22.

Nagtamo ng malaking sugat sa mukha at ulo si Aganon.

“Ilang beses siyang ni-revive dahil hindi na nagfunction ang kaniyang puso at brain dead siya. Pero matapos ang 15 beses na pag-revive sa kaniya ng mga doctor, binawian siya ng buhay,” sabi ni COCPO officer-in-charge PLTC Reynante Reyes.

Abril noong nakaraang taon umupo bilang city director ng COCPO si Aganon.

Bago na-destino sa Mindanao, naging spokesperson ng Police Regional Office 3 si Aganon.

“Mag-aalay kami ng luksa ng parangal para kay Sir Aganon. Magbibigay kami ng karangalan para sa kanyang kadakilaan at pagbibigay serbisyo bilang aming city director,” dagdag ni Reyes.

Pumanaw si Aganon sa edad na 47.
Pumanaw si Aganon sa edad na 47.
Posibleng dalawang araw na paglalamayan sa lungsod si Aganon bago dalhin ang kaniyang katawan sa Nueva Ecija.