Sotto tutol sa 2-week quarantine pagpasok ng bansa ng mga fully vaccinated vs COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sotto tutol sa 2-week quarantine pagpasok ng bansa ng mga fully vaccinated vs COVID-19

ABS-CBN News
Published Jun 03, 2021 03:01 PM PHT

MAYNILA - Nananawagan si Senate President Vicente Sotto III sa inter-agency task force laban sa COVID-19 na alisin na ang polisiyang 14-day quarantine para sa mga papasok ng bansa na fully vaccinated na laban sa coronavirus.

Sa isang pahayag, kinuwestiyon ng senador ang naturang quarantine, at sinabing payagan ang mga papasok sa bansa basta nasusunod ang health protocols kontra sa virus.

"Why do fully vaccinated people have to still do the two week quarantine when traveling to the Philippines? It doesn’t make sense!" sabi ni Sotto.

Wala aniyang saysay ang polisiya at nasasayang lang ang layunin ng vaccination program ng gobyerno - ang buksan ang ekonomiya.

Hindi rin aniya papasok sa bansa ang mga nabakunahan nang investors dahil sa polisiyang ito ng IATF, at paniguradong nagdadalawang-isip maging ang mga Pilipinong uuwi na sa bansa.

"Vaccinated investors won’t come because they have to quarantine or even Filipinos who are vaccinated are having second thoughts," ayon sa senador.

Nauna nang inihain ng Department of Tourism sa gobyerno ang suhestiyon nitong paikliin ang quarantine period sa mga returning Filipinos na fully vaccinated na sa COVID-19.

Kasalukuyang required na manatili sa quarantine facilities hanggang 10 araw ang mga OFW at balikbayan na papasok sa bansa, at isasailalim sa swab test pagkatapos ng isang linggo.

- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
PANOORIN:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT