Lockdown sa Davao Region police office pinalawig, kaso ng COVID-19 tumaas pa | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lockdown sa Davao Region police office pinalawig, kaso ng COVID-19 tumaas pa

Lockdown sa Davao Region police office pinalawig, kaso ng COVID-19 tumaas pa

ABS-CBN News

Clipboard

Pinalawig pa ng Police Regional Office XI (Davao Region) ang lockdown sa kanilang kampo sa Catitipan, Davao City hanggang sa Hunyo 8.

Ito’y matapos umakyat pa sa 74 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa regional police.

Nagsimula noong Mayo 26 ang lockdown sa kampo at magtatapos sana noong Hunyo 2.

Ayon sa PRO-XI, maari pa ring makapasok ang mga kliyente at mga sibilyan na may transaksyon, pero kailangang magpresenta ng negative RT-PCR o negative antigen test.

ADVERTISEMENT

Suspendido rin muna ang recruitment sa mga pulis at inabisuhan na sa Kampo Crame iproseso ang kanilang aplikasyon dahil na rin sa ipinalabas na Executive Order No. 31 ng Davao City kaugnay sa regulasyon ng barangay, local, at national office events.

“Ang ating mga personnel ay pinagbabawalan na mag-uwian. As much as possible, stay-in lang sila muna habang may mga nagpa-positive,” ayon kay Police Maj. Eudisan Gultiano, spokesperson ng PRO-XI.

Sa ngayon, may 499 na ang kabuuang COVID-19 cases sa hanay ng pulisya sa naturang rehiyon.

- Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad