Landbank may alok na pautang para sa private schools | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Landbank may alok na pautang para sa private schools

ABS-CBN News
Published Jun 03, 2020 02:52 PM PHT

MAYNILA — Inihayag ngayong Miyerkoles ng Land Bank of the Philippines na patuloy pa rin silang tumatanggap ng aplikasyon mula sa mga pribadong paaralan para matulungan ang mga estudyanteng hirap magbayad ngayon ng tuition fee.

Ayon kay Landbank President Cecilia Borromeo, P3 bilyon ang inilaan ng bangko para sa kanilang Access to Academic Development to Empower the Masses towards Endless Opportunities (ACADEME) lending program.

Sa ilalim ng programa, pauutangin ang mga pribadong paaralan at maaari iyong bayaran sa loob ng 3 taon sa interest rate na 3 porsiyento kada taon.

"Ang mga magulang o guardian ng atin ng mga estudyante ay maaring maghiram sa mga private schools, na ito po iyong mga schools na iyan ang pupunta Landbank," ani Borromeo.

"Puwede ho namin sila bigyan ng pautang na equivalent sa 70 percent of the total promissory notes of their students," paliwanag ni Borromeo.

Noong nakaraang linggo, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sana'y tumulong ang Landbank para maging installment o utay-utay ang pagbabayad ng matrikula ng mga estudyante sa darating na school year.

Ayon kay Borromeo, unang linggo pa lang ng Mayo o bago pa nagbilin si Duterte ay inilunsad na nila ang lending program.

Sa pagdinig sa Senado noong nakaraang buwan, tantiya ng grupong Coordinating Council of Private Educational Associations na aabot sa 2 milyong estudyante sa pribadong paaralan ang lilipat sa public school o magda-drop out sa darating na school year matapos maapektuhan ng coronavirus pandemic ang kabuhayan ng kanilang mga magulang.

-- Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Landbank
Land Bank of the Philippines
study now pay later
ACADEME lending program
pautang
private schools
tuition
matrikula
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT