Libo-libong mag-aaral sa Marawi, displaced; 20 paaralan, di magagamit sa pasukan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Libo-libong mag-aaral sa Marawi, displaced; 20 paaralan, di magagamit sa pasukan

ABS-CBN News
Published Jun 03, 2018 07:31 PM PHT
May 31,000 estudyante ang na-displace mula sa Marawi dahil sa limang buwang bakbakan sa pagitan ng militar at teroristang grupong Maute, ayon sa datos ng Department of Education (DepEd).

Karamihan sa mga mag-aaral ay napilitang mag-enroll sa ibang paaralan habang ang iba ay isasama sa mga paaralan sa Marawi na hindi naapektuhan ng digmaan.

"Maglalagay kami ng temporary learning space sa vacant space ng mga schools," ani Marawi City Schools Division Superintendent Pharida Sansarona.

Sa 69 paaralan sa Marawi, may 20 paaralan ang hindi umano magagamit sa darating na pasukan dahil nawasak at nasunog sa loob ng main affected area, gaya ng Ibango Central Elementary School na ultimo kisame ng mga silid-aralan ay nasira.

"The first time [na nakita], talagang we were so emotional that we... hindi namin napigilang mapaiyak. Nakakapanlumo," ani Sansarona.

Sa bisperas ng pagsisimula ng klase nitong Linggo, nagsama-sama ang mga guro sa Marawi City para sa mga huling paghahanda.

Kasama sa mga abalang guro si Aminkahir Comadug, na noong nakaraang taon ay namatayan ng may sakit na ama matapos itong maipit sa gitna ng bakbakan.

Ayon kay Comadug, titiyakin niyang magiging maayos ang pag-aaral ng mga bata sa Marawi para sa yumaong ama.

"Alam ko na 'yong tatay ko, kung mayroon siyang isang wish sa akin is 'yong magpakabuti sa tungkulin," ani Comadug.

Hangad ni Comadug at ng iba pang guro sa Marawi na maibalik sa normal ang buhay at pag-aaral ng mga bata, at tulungan silang mapawi ang pangambang naiwan ng digmaan.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
pag-aaral
edukasyon
pasukan
rehiyon
Marawi
TV Patrol
TV Patrol Weekend
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT