Mga paaralan sa Marawi, sisikaping isabay sa pagbubukas ng klase sa Hunyo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga paaralan sa Marawi, sisikaping isabay sa pagbubukas ng klase sa Hunyo

ABS-CBN News
Published May 23, 2018 06:41 PM PHT
|
Updated May 23, 2018 08:07 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na hindi mahuhuli sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo ang mga estudyante sa Marawi City sa kabila ng pagkasira ng mga paaralan nila.

"In the meantime we are setting up temporary centers and also we are considering the idea of clustering the schools because...there are also schools which have a lot of room for additional students," ani Briones.

Inamin ng kalihim na malabong makapagpatayo agad ng mga bagong eskuwelahan pero iginiit niyang dapat sumabay pa rin ang mga ito sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Ito ang dahilan kaya hindi maialis ang pagkabahala ng mga guro na baka hindi magkasya ang mga estudyante na ililipat sa mga hindi nasirang paaralan.

Halimbawa, iilang gusali na lang ng Marawi City Elementary School ang nakatayo matapos ang digmaan pero hindi na rin mapakikinabangan dahil nagkabutas-butas na ang mga dingding sa tama ng bala at mortar.

Isa lang ito sa 20 paaralan ng Marawi na nasira.
Kaya simula nakaraang buwan, naghahanda na ang mga guro sa mga paaralang hindi nawasak para sa bugso ng mga estudyante na lilipat sa kanila.
"We expected a flock of pupils talaga will be coming to our school kasi sa pagsara ng ground zero. So sa ngayon ito na ang natitirang central school dito sa kabila," ani Fatimah Hamdar, isang guro.

Walang ceiling fan at ilaw ang classroom na ipinakita ni Hamdar kaya nababahala silang mga guro na lalong magiging maalinsangan ang classrooms at magiging mahirap sa kanila ang pagtuturo.
"Paano namin lilinisin kung andiyan sa loob 'yung relief goods," hinaing naman ng gurong si Juanira Jalaran.

Pero hamon ni Briones sa mga guro, huwag munang magreklamo at sa halip ay sikapin na maibalik sa normal ang buhay ng mga bata.

--Ulat ni Roxanne Arevalo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Marawi City Elementary School
Department of Education
Leonor Briones
DepEd
Bangon Marawi
Marawi City
Marawi
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT