Alkalde sa Ilocos Norte, patay sa pamamaril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alkalde sa Ilocos Norte, patay sa pamamaril

Alkalde sa Ilocos Norte, patay sa pamamaril

Kim Lorenzo II,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 03, 2017 06:28 PM PHT

Clipboard

MARCOS, Ilocos Norte — Agad na binawin ng buhay si Mayor Arsenio Agustin ng bayang ito matapos pagbabarilin Sabado ng umaga.

Sa text message ni police community relations officer Chief Inspector Dexter Corpuz, idineklarang dead on arrival sa ospital ang alkalde at ang construction worker na si Mar Valencia.

Ayon sa pulisya, naganap ang pamamaril alas-11:40 ng umaga sa Barangay Mabuti sa bayan ng Marcos. Naisugod pa umano sa Doña Josefa Edralin Marcos District Hospital ang mga biktima pero ideneklara silang dead on arrival.

Patuloy pa rin ang imbestigasion ng pulisya na tumanggi munang magbigay ng pahayag.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa driver ni Mayor Agustin na si Cristopher Alegre, matapos siyang makarinig ng putok ng baril agad itong pumasok sa sasakyan.

Agad namang itinakbo ang alkalde ng kaniyang police security sa kaniyang sasakyan, pero dito na natamaan ng bala sa ulo ang alkalde.

Ayon kay Alegre, papasok na sa sasakyan si Agustin nang mabaril ito.

Tinamaan din sa insidente ang backhoe driver na si Valencia na tumulong magtakbo sa alkalde sa kaniyang sasakyan.

Ginagamot naman ngayon ang isa pang construction worker na tinamaan ng bala sa paa.

Hindi nakilala ang gunman na di umano'y pumuwesto sa kakahoyan at agad ring tumakas matapos gumanti ng putok ang police security ng alkalde.

Pinoproseso na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang crime scene habang narekober din ang ilang basyo ng M16 rifle.

Kinondena naman ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang insidente at nagpaabot ng kaniyang pakikiramay sa pamilya ng yumaong alkalde.

"We condemn this heinous act, we will spare no effort to find and punish killers. I extend my prayers and sympathy to his family and friends who have over his time as mayor become close to us," ani Marcos.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya habang nagsagawa na ng dragnet operation ang malalapit na estasiyon ng pulisya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.