Mini-rollout ng mga bakuna para sa A4, A5 nakakasa sa Hunyo 7: Galvez | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mini-rollout ng mga bakuna para sa A4, A5 nakakasa sa Hunyo 7: Galvez

ABS-CBN News
Published Jun 02, 2021 08:09 PM PHT

Nakaabang na sa online booking para magpabakuna kontra COVID-19 ang tindero ng kwek-kwek na si Niño Arcenal.

Araw-araw kasi siyang humaharap sa iba't ibang kustomer pero face mask lang ang panangga niya sa COVID-19.

"Siyempre kinakabahan kasi baka 'yong iba positive, hindi lang nalalaman," sabi ni Arcenal.

"Mula noong sinabi na mayroong vaccine sa COVID, hinintay ko na para mabakunahan," dagdag niya.
"Mula noong sinabi na mayroong vaccine sa COVID, hinintay ko na para mabakunahan," dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., may "mini" rollout muna para sa priority groups na A4 at A5 o economic frontliners at mahihirap sa Hunyo 7.

Pero sa kalagitnaan ng Hunyo pa inaasahang tuluyang bubuksan ang COVID-19 vaccination sa naturang priority groups sa "NCR Plus 8" areas.

Kasama rito ang National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.

Halos 10 milyong dose ng bakuna kasi ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong Hunyo.

"Ang pinaka-rollout ng ating economic frontliners at government workers is pagka dumating na 'yong main bulk ng COVAX," ani Galvez.

Dahil inaasahang mas maraming residente ang nasa ilalim ng A4 at A5, ikinakasa na ng Mandaluyong City ang planong ilipat ang pagbabakuna sa mas malalaking vaccination sites.

Magdaragdag naman ng vaccination centers ang Caloocan City at Maynila.

Ginamit na rin ngayong Miyerkoles na COVID-19 vaccination sites ang SM Manila, SM San Lazaro, Lucky Chinatown at Robinsons Place Manila.

Tiniyak din ng mga lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng special lane para sa mga residenteng bahagi ng naunang 3 priority groups na kinabibilangan ng health workers, senior citizens at mga may comorbidity.

Inirekomenda naman ng Inter-Agency Task Force na puwedeng unahin sa pagbabakuna ng A4 ang mga may edad 40 pataas.
Inirekomenda naman ng Inter-Agency Task Force na puwedeng unahin sa pagbabakuna ng A4 ang mga may edad 40 pataas.
ADVERTISEMENT
Umapela naman si Navotas Mayor Toby Tiangco na isama na ang lahat ng nagtatrabaho sa pribadong sektor sa A4 vaccination.

"Kasi napakahirap i-determine based doon sa ID kung siya ba ay nagtatrabaho sa labas ng bahay o sa loob ng bahay... kaysa magkaroon ng pagtatalo, payagan na lang natin," ani Tiangco.

Tanging mga manggagawang lumalabas lang kasi ng kanilang bahay para sa trabaho ang kasalukuyang sakop ng A4.

Mas maraming COVID-19 vaccines naman ang planong ilaan ng gobyerno sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Samantala, inaprubahan naman ng World Health Organization ang COVID-19 vaccine ng Sinovac para sa emergency use listing.

Inaasahan ng gobyerno na magpapataas ito sa kumpiyansa ng mga Pilipino sa naturang Chinese vaccine.

Sa higit 8.3 milyong COVID-19 vaccines na dumating sa Pilipinas, 5.5 milyon o higit kalahati ang gawa ng Sinovac.

Naniniwala si Galvez na kaya pa ring mabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong taon para makamit ang herd immunity.

Pero kahit kalahati lang ng populasyon ang mabakunahan, puwede nang tuluyang magbukas ang ekonomiya, sabi ni Galvez.

— Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid-19
Covid-19 vaccination
bakuna
Philippines Covid-19 vaccination
A4 priority group
A5 priority group
Carlito Galvez
Sinovac
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT