Doktor sa Davao Oriental, nagpositibo sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Doktor sa Davao Oriental, nagpositibo sa COVID-19

Doktor sa Davao Oriental, nagpositibo sa COVID-19

Berchan Louie Angchay,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang resident doctor sa Davao Oriental Provincial Medical Center (DOPMC), ayon kay Provincial Task Force COVID-19 Action Officer Dr. Reden Bersaldo.

Ayon kay Bersaldo, sumailalim ito noong Mayo 8 sa reverse transcription polymerase chain reaction swab test at nagnegatibo ang resulta.

"Nagduduty siya sa isang institution sa Davao sa isang dialysis center. Dumating siya sa ating probinsya sa ospital ng DOPMC noong May 25 para mag-duty," aniya.

Isinailalim siyang muli sa mandatory swab testing noong Mayo 26 alinsunod sa standard protocol sa Provincial Task Force on COVID-19 at nitong Mayo 30 nakumpirmang positibo ito sa virus.

ADVERTISEMENT

"Wala siyang lagnat, wala siyang sipon, in fact he is very healthy. Dinala ang kaniyang lab test specimen noong May 27 at lumabas ang resulta noong Sabado," dagdag pa niya.

Nagsagawa agad ng contact tracing ang task force sa mga nakasamang doktor at nurses.

May 58 na naka-quarantine na at 20 sa kanila ay naka-home quarantine at nasa iba't-ibang isolation facility sa probinsya ang 38.

"Lahat sila walang sintomas o asymptomatic except sa isa na sinisipon dahil may sinusitis na ito noon pa. Naisolate na rin ang mga pasyenteng na expose sa doktor."

Nagsagawa na rin ng disinfection sa ospital.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.