9 pinaligo umano sa kanal matapos lumabag sa curfew, liquor ban sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 pinaligo umano sa kanal matapos lumabag sa curfew, liquor ban sa Davao City

9 pinaligo umano sa kanal matapos lumabag sa curfew, liquor ban sa Davao City

Berchan Angchay,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 02, 2020 08:52 PM PHT

Clipboard

DAVAO CITY - Makikita sa isang cellphone video ang pagpapalinya sa siyam na mga lalaki nitong Biyernes ng gabi, sa Barangay San Antonio, Agdao, Davao City.

Lumabag sa curfew at liquor ban ang siyam at pinaligo umano sila sa kanal bilang parusa.

Ayon sa isa sa kanila na si alyas "Simon", pinag-ehersisyo pa umano sila bago pinatalon at pinagsubsub sa kanal.

"Mga ala-una na, push up sir taman singkwenta.. Tapos okay na to sa amoa abi namog makauli nami last na sir dili mi paulion hantud dili mi musalom atong kanal nga pila ka dupa.. kamangon namo na, nakainom gane ko hantud karon wala koy gana mokaon," ani Simon.

ADVERTISEMENT

(Umabot kami hanggang ala-una ng madaling araw, pinagpush-up kami hanggang singkwenta. Akala namin papauwiin na kami pero hindi pa pala hanggang 'di kami makasisid sa kanal... Gagapangin namin yun, nakainom nga ako bahagya ng tubig wala na akong ganang kumain.)

Aminado man siya na lumabag sa curfew pero ayon sa kaniya, hind tama ang pinagawa sa kanila.

"Nagpa-signal lang ko kay naa koy importanteng i-pm kauban sa trabaho ba ka ron sir on-call on-call na among trabaho tungod sa COVID...Ingon ana man gud tung police walay dagan-walay dagan so syempre sa akong kakurat nakadagan ko padulong sa among kwarto...Migawas nalang pud ko sir kay syempre akong anak perti nang hadloka trauma na kayo mura nag gashagit-shagit nga naghilak," dagdag niya.

(Naghahanap lamang ako ng signal dahil may ipapasa ako sa katrabaho ko alam naman nating on-call na lang mga trabaho ngayon dahil sa COVID-19. Sinabi ng pulis huwag tumakbo pero sa taranta ko tumakbo ako at pumasok sa aking kuwarto. Pero lumabas din ako kasi nagpupumilit ang opisyal ng barangay na palabasin ako, naawa na rin ako sa aking anak na-trauma nang kakaiyak.)

Pina-blotter na sa pulis ng mga lalaki ang pangyayari. Iniimbestigahan na ng pulisya ang reklamo.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Watch more in iWantv or TFC.tv

"Wala man koy giassign nga pulis sa barangay...Mao ato nang imbestigahan kay allegedly naka pixelized uniform daw tung pulis.. kung naa silay madakpan nga pareha ana curfew ideretso dayun nila sa estasyon, dili nila didto ipundo sa ilang barangay kay wala man silay authority ana na mag detain og mga dinakpan," ani PMAJ. Michael Uyanguren, Hepe ng Santa Ana Police Station.

(Wala naman akong in-assign na pulis sa barangay. Iimbestigahan namin ito, ayun sa mga complainant ay naka-pixelized uniform umano ang mga pulis. Kung meron silang mahuhuli dalhin agad nila sa police station dahil wala sila karapatan mag-detain ng mga tao.)

Itinanggi naman ng barangay kagawad na siya ang nag-utos sa pagsisid sa kanal.

"Nag-radio sila sa amoa sa barangay amo girespondehan bale tulo sila ka pulis...Sa akoang observation murag gi-disiplina nila pero mao to nga time nahitabo gyud actual.. Bisag single nga command nako diha as state and order wala gyud ko mag command sa mga tao o sa pulis nga mao na ilang buhaton," paliwanag ni Barangay Kagawad Nomerian Capuyan ng San Antonio, Agdao.

(May nag-radio sa amin mga pulis kaya rumesponde kami. Sa observation parang dinidisiplina lamang sila pero nangyari talaga yung aktuwal. Kahit single command wala akong binitawan para pag-utusan ang mga pulis.)

Sa interview kay Davao City Mayor Sara Duterte sa Davao City Disaster Radio, sinabi nitong hindi tama ang ginawang pagpapalangoy sa kanal sa mga lalaki.

Nakasaad umano sa Inter-Agency Task Force Omnibus Guidelines Section 8 na "LGUs are enjoined to enact necessary Ordinance to enforce curfews to penalize in a fair and humane manner".

"Humane ba ang pa-swimmingon ang usa ka tawo sa kanal? No it's not humane. What is humane, dapat gipalimpyo sila sa kanal," ani Mayor Duterte.

(Humane ba ang pagpapaligo sa kanal? No, it's not humane, what is humane dapat pinaglinis na lang ng kanal.)

Posibleng maharap sa kasong kriminal at administrado ang mga tinutukoy na mga pulis.

Kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine ang Davao City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.