Reklamo ng isang barangay sa Taytay: Baha 2 taon nang di bumababa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Reklamo ng isang barangay sa Taytay: Baha 2 taon nang di bumababa

ABS-CBN News
Published Jun 02, 2018 07:13 PM PHT

Mahigit 2 taon nang nagtitiis sa baha ang isang lugar sa Taytay, Rizal at marami na raw ang nadisgrasya at nagkasakit dahil sa hindi bumababang tubig galing sa mga karatig-lugar.

Reklamo ng mga residente sa "Tapat Na Po," tirik ang araw pero baha ang kalye sa Phase 2, Barangay San Lorenzo Ruiz.

"Ang dami na pong nadudulas...Ako apat na beses na...Mas maraming matanda," hinaing ng residenteng si Yolanda Victoriano.

"Iyung apo ko madalas mahulog sa kanal...Nagkakaroon na rin ng galis mga apo ko. Ang baho talaga," ani Gloria Huete, isa pang residente.

ADVERTISEMENT
Ilang beses na raw nilang ipinarating sa barangay at munisipyo ang problema ngunit wala raw ginagawa ang mga ito kaya't lumala ang sitwasyon.

Idinulog ng Tapat Na Po sa munisipyo ang problema at napag-alamang relocation site pala ng mga taga-San Juan City ang property.

"Hanggang ngayon hindi pa natu-turnover ito [sa Taytay] kaya kung may gagawin kami, ipapaalam pa kay mayor Guia [Gomez]," paliwanag ni Ronaldo San Juan, municipal engineer ng Taytay.

Pero dahil residente na ng Taytay ang mga nakatira rito, may inilaan nang pondo ang munisipyo at probinsiya ng Rizal para ayusin ang drainage ng lugar.

Aminado ang munisipyo na matatagalan pa bago tuluyang maayos ang problema dahil dadaan pa sa proseso ang proyekto.

"Kaunting pasensiya lang po...Kami po ay nakikinig at di nagbibingibingihan," paki-usap ni Jovy Medina-Leonardo, public information office head ni Municipality of Taytay.

Ang inaalala ng mga residente, malapit na ang tag-ulan na tiyak na magpapalala sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Nananawagan sila na bilisan ang pag-aayos para tuluyan nang matapos ang kalbaryo nila sa barangay.

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang sa Facebook page ng Tapat Na Po.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT