Biyahe ng bus mula Cubao papuntang Southern Luzon kulang | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Biyahe ng bus mula Cubao papuntang Southern Luzon kulang

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Jun 02, 2018 10:55 AM PHT

MAYNILA – Dagsa ang mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang probinsiya sa Southern Tagalog sa mga bus terminal sa kahabaan ng EDSA-Cubao Sabado sa gitna ng kakulangan ng mga biyahe.

Marami sa mga pasahero ay madaling araw pang naghihintay at regular na biyahero ngunit naninibago sa sitwasyon.

Ayon sa pamunuan ng bus companies, may ilang linggo na ring naiipon ang mga pasahero dito dahil umano sa kakulangan ng bus at prangkisa para sa mga biyaheng Cubao papunta at pabalik sa mga probinsiya sa Southern Luzon.

Sabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board member Aileen Lizada, ang pagbibigay ng mga special permit ang kanilang madaliang solusyon.

ADVERTISEMENT
Mailalabas ang special permit isa hanggang dalawang araw matapos na makapag-file ang bus company.

Ayon pa kay Lizada, kakausapin nila ang bus companies na nagkakaproblema sa dami ng pasahero para alamin kung ilang bus o prangkisa ang kailangan nilang idagdag.