PANOORIN: Buhawi nanalasa sa isang bayan sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Buhawi nanalasa sa isang bayan sa Isabela

PANOORIN: Buhawi nanalasa sa isang bayan sa Isabela

ABS-CBN News

Clipboard

Ilang mga residente ang nagulat sa pagdaan ng isang buhawi sa bayan ng Tumauini sa Isabela noong Lunes ng hapon.

Pasado alas-4 ng hapon nang mapansin ng mga residente ang pamumuo ng buhawi sa bahagi ng Barangay Lanna.

Ayon sa residente na si Lhan Ilustre Macalalad, inakala pa niyang usok lang mula sa isang sunog ang kanilang natatanaw. Pero nagulat na lamang sila nang makita ang pagdaan ng buhawi.

Ayon naman sa isa pang residenteng si Jefferson Mamauag, halos isang oras ang pananalasa ng buhawi na umabot pa sa mga kabahayan.

Video kuha ni Mico Sia​

Sa isinagawang damage assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Tumauini, 2 bahay na gawa sa light materials sa Barangay Santa Catalina ang nawasak ng buhawi habang walong iba pa sa Barangay Malamag West ang bahagyang nasira.

ADVERTISEMENT

Dagdag naman ni Tumauini DRRM Officer Jenny-Vi Palogan, abot sa 11 pamilya ang apektado ng pananalasa ng buhawi. Binigyan na sila ng relief assistance at inirekomenda sa Municipal Social Welfare and Development Office na mabigyan din ng emergency shelter assistance.

Nagdulot din ng brownout ang pananalasa ng buhawi matapos maputol ang kable ng kuryente sa pagdaan nito.

Wala namang naiatalang nasaktan sa insidente.

- Ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.