Libreng pagkain handog ng HNP bilang pasasalamat sa mga taga-Davao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libreng pagkain handog ng HNP bilang pasasalamat sa mga taga-Davao

Libreng pagkain handog ng HNP bilang pasasalamat sa mga taga-Davao

Bonna Pamplona,

ABS-CBN News

Clipboard

Libo-libo ang pumila para sa libreng pagkain na handog ni reelected Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa mga taga-Davao bilang pasasalamat sa kanilang pagsuporta sa mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago. Bonna Pamplona, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Namigay ng libreng pagkain ang regional political party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa mga residente ng lungsod bilang pasasalamat sa kanilang suporta sa mga kandidato nito sa nagdaang halalan at selebrasyon na rin sa ika-41 kaarawan ni reelected Mayor Sara Duterte-Carpio.

"My personal thanksgiving sa tanan dabawenyo nagsuporta sa akong administrasyon, nagsuporta sa recent election sa atong mga senador and basically it’s just a goodwill sa ilaha for their support,” ayon kay Duterte-Carpio.

(Personal thanksgiving sa lahat ng mga Dabawenyo na sumuporta sa administrasyon at sa recent election for our senators and basically it's just a goodwill for their support.)

Naging maigting ang suporta ng mga taga Davao City sa mga senatorial candidate ng HNP nitong nakaraang eleksyon.

ADVERTISEMENT

Matiyagang naghintay ang halos 5,000 Dabawenyo para makapasok sa Rizal Park at makakuha ng libreng pagkain nitong Biyernes.

Ang iba ay bitbit pa ang kanilang buong pamilya sa pila kagaya na lang ng pamilya Salvador na taga Barangay Matina Pangi.

May iba na galing pa sa Marilog District, Davao City gaya nang magkapit-bahay na sina Arian Casabuena at Joy Suboy.

Tanghali na sila nakarating kaya hindi na nakaabot sa inihandang pagkain para sa tanghalian. Naghintay na lang sila sa second batch.

Kabilang sa handa ang pansit, lechong baka, lechong baboy at lechong manok na sapat sa 10,000 tao. May tubig at softdrinks din.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.