Sunog sumiklab sa residential area sa Taguig City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Taguig City

Sunog sumiklab sa residential area sa Taguig City

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

Mahigit 100 bahay ang nasunog sa Taguig City. Jose Carretero, ABS-CBN News.
Mahigit 100 bahay ang nasunog sa Taguig City. Jose Carretero, ABS-CBN News.

MAYNILA - Mahigit 100 bahay ang natupok sa sunog sa Road 6, Manggahan Site North Daanghari, Taguig City Miyerkoles.

Ayon kay Senior Inspector Demetrio Sablan Jr, ang hepe ng operations division ng Bureau of Fire Protection-Taguig, alas dos kwatro ng hapon ng mag-simula ang sunog.

Ideneklara itong fire under control alas-4:13 habang fire out naman ng alas-5:51. Umabot sa third alarm ang sunog.

Ibig sabihin mas maraming mga bumbero sa karatig na syudad ang tumulong.

ADVERTISEMENT

Ayon sa BFP, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa malakas na hangin. Masikip din ang daan papasok sa mga nasusunog na bahay.

Mga informal settlers families o ISF ang nakatira sa mga nasunog na bahay, ayon sa BFP.

“Ang challenge naman yung access sa area, itong pinakamalapit na nakita namin na access yung likod tinawid na namin ang bakod ng DOST, sa mga bubong na kami dumaan, para makalapit duon sa affected na area, “ ayon kay Sablan.

Gawa rin sa light materials ang mga nasusunog na bahay kaya mabilis kumalat ang apoy.

Inaalam pa ng BFP kung ano ang dahilan ng sunog, pero may dalawang angulo nang tinitingnan ang mga imbestigador.

May nakarating sa kanilang impormasyon na galing ang apoy sa mga nagpa-pot session umano sa isang bahay. May impormasyon din na may isang bata na naglalaro ng posporo.

Wala namang nasaktan sa sunog, pero may isang matanda ang nahirapan huminga dahil sa usok.

Ayon sa BFP, aabot sa P4 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian.

Ayon sa ilang residente nakita na lang nila na malaki na ang usok sa isang bahay.

“Yung mga bandang alas dos patapos na kasi ang online class ko napansin ko may ilaw na namamatay-matay. Ngayon binaba ko yung breaker ng ano kasi may nakita akong usok , ngayon pagbaba ko sa may pinto namin nakita ko ang lakas na ng apoy” ayon sa residente na si si Julius Tijam.

May ilang opisyal din ng barangay na nasunugan gaya ng barangay secretary na si Jasmine Mae Relano.

Halos walang natira sa kanilang mga gamit.

“Medyo mahirap isipin kasi kahit gaano ka ka tayo ka prepared may BDRRM plan once pamilya mo na ang apektado hindi mo na alam kung sino ang uunahin mo, so sa nangyari kanina pamilya ko ang inuna ko bago kami mag-assist ng ilang residente,” ayon kay Relano.

Sa ngayon, aabot sa 300 pamilya ang apektado ayon sa BFP. Nasa evacuation center ng barangay ang mga apektado. Sa mga modular tent muna sila manunuluyan.

“So far waiting pa kami sa ibababa ng DSWD ng Taguig at the same time gumagawa nga ng paraan ang barangay council,” ani Barangay Kagawad Lhorelyn Fortuno- Agtarap.

Tulong ang hiling ng mga nasunugan.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.