CHR iniimbestigahan ang cease-and-desist order ng Gentle Hands | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

CHR iniimbestigahan ang cease-and-desist order ng Gentle Hands

CHR iniimbestigahan ang cease-and-desist order ng Gentle Hands

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

Gentle Hands Orphanage sa Quezon City noong May 23, 2023. Jire Carreon, ABS-CBN News
Gentle Hands Orphanage sa Quezon City noong May 23, 2023. Jire Carreon, ABS-CBN News

MANILA — Iniimbestigahan na ng apat na sangay ng Commission on Human Rights (CHR) ang isyu sa paghain ng cease-and-desist order sa bahay ampunan ng Gentle Hands Inc.

Ang CHR sa National Capital Region, CHR Investigation Office, Child Rights Center-Investigative Monitoring at CHR-Region 3 ang kumikilos para mag-imbestiga sa isyu.

May ilan kasing non-government organizations ang nababahala sa nangyayari sa Gentle Hands.

Nitong Martes, binisita ng CHR-Region 3 ang Gentle Hands branch sa Baliuag, Bulacan bunsod ng balita na may nasa 22 bata na wala sa Gentle Hands branch sa Quezon City nang magsagawa ng rescue ang DSWD.

ADVERTISEMENT

Pero hindi sila pinapasok ng Gentle Hands.

"Nagkakaroon ng discrepancy kung ilan talaga ang nasa custody ng Gentle Hands. Lumabas na meron unaccounted na 22. Unfortunately, 'di sila pinapasok ang Gentle Hands, pero tuloy-tuloy ang imbestigasyon ng CHR para sa mga bata," ani CHR commissioner Beda Epres nitong Miyerkoles.

Babalikan umano sila ng CHR dala na ang kumpletong listahan ng pangalan ng mga bata. Pero ang problema anila, wala umanong tinurnover na mga pangalan ang Gentle Hands sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

May inisyal na obserbasyon naman ang CHR sa magkabilang kampo.
Iniimbestigahan umano nila ang anggulong overcrowding.

Sa panig naman ng DSWD, iniimbestigahan nila ang kumakalat na impormasyon na nagdala sila ng mga armadong pulis doon dahil kung totoo kasi ito, dodoblehin pa nito ang trauma ng mga bata.

"Wala kaming baril, access sa baril at policemen. Nung gabing 'yon, 'di rin kami nagdala ng police. Maaaring sila ang tumawag ng police. One thing for sure, hindi DSWD ang nagdala ng police ... 25 na social worker namin ang dumating," ani DSWD Sec. Rex Gatchalian.

Inaasahang maglalabas ang CHR ng final report ng kanilang obserbasyon sa compliance ng Gentle Hands at rekumendasyon kung paano mapapabuti ng gov't agencies ang paghawak sa kalagayan at kapakanan ng mga bata.

Samantala dumating naman nitong Miyerkoles sa Gentle Hands ang founder ng care facility na si Dennis Heppner, at nagbigay ng mensahe ukol sa kontrobersya.

“When we heard of the crisis I came immediately to let everyone know that there are thousands of people all over the world praying for GH and its leadership," ani Heppner.

"The whole congregation on Sundays are lifting up Gentle Hands and we hope that God answers all our prayers."

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.