Kagawad, 2 iba pa, arestado dahil sa 'shabu' na itinago sa pitsel | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kagawad, 2 iba pa, arestado dahil sa 'shabu' na itinago sa pitsel

ABS-CBN News
Published May 31, 2018 07:05 PM PHT

Arestado ang isang bagong halal na kagawad ng barangay at dalawang iba pa sa isang buy-bust operation sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kabilang sa mga inaresto Miyerkoles ng hapon ang isang lalaking kakapanalo lang bilang kagawad ng Barangay Sapalan.

Kabilang rin sa mga inaresto ang isang dating overseas Filipino worker at isang tindera.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), pawang nasa drug watchlist ng ahensiya ang tatlong arestado.

Mariing itinanggi ng mga arestado na sangkot sila sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon sa kagawad at dating OFW, hindi nila kilala ang babaeng kasama nilang hinuli.

Bagay na pinabulaanan naman ng tindera. Ayon sa kanya, kilala niya ang dalawang lalaki, pero napag-utusan lamang siya ng mga ito na ihatid ang pitsel.

Ipinasok sa pitsel ang iligal na droga at tinakpan ng plastic. Dalawang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 55 gramo at nagkakahalagang P374,000 ang nakuha sa operasyon.

Nakatakda nang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga inaresto.