Panukalang taas-pensyon para mga senior citizen, lusot na sa Senado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Panukalang taas-pensyon para mga senior citizen, lusot na sa Senado

ABS-CBN News
Published May 30, 2022 07:11 PM PHT

MANILA — Aprubado na sa Senado ang panukalang batas na magtataas ng social pension ng mga mahihirap na senior citizen.

Lumusot nitong Lunes ang Senate Bill No. 2506 na aamyenda sa RA 7432 o “An Act to Maximize the Contribution of Senior Citizens to Nation Building, Grant Benefits and Special Privileges and for Other Purposes,’ as Amended, and for Other Purposes.”

Inaprubahan ang nasabing panukalang batas matapos itong sang-ayunan ng 18 senador. Walang tumutol o nag-abstain sa botohan.

Sa ilalim ng panukala, gagawing P1,000 ang kasalukuyang P500 monthly pension allowance ng mga indigent o mahihirap na mga senior citizen.

ADVERTISEMENT
Kapag napirmahan na ito at tuluyang maging batas, inaasahang hindi na sisingilin sa beneficiary ang transaction fee sa cash pay out.

Inilipat na rin mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) patungo sa National Commission of Senior Citizens ang pangangasiwa sa pamamahagi ng pension allowance.

Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na kulang na kulang ang P500 na kasalukuyang tinatanggap ng mga senior citizen.

Si Villanueva ang isa sa mga nagsusulong sa naturang panukalang batas.

"The amount of ₱500 monthly social pension for indigent senior citizens has remained unchanged for more than a decade since it has been first established in Republic Act No. 9994 or the 'Expanded Senior Citizens Act of 2010'. Hindi na po magkasingtulad ang halaga ng limangdaan noon at limangdaan ngayon. Tumaas na po ang presyo ng bilihin, marapat lang na itaas rin ang monthly social pension ng mga indigent senior citizens from ₱500 to ₱1,000," ani Villanueva.

"May mga seniors po na wala talagang maaasahan at hindi na kayang magtrabaho at hindi kayang suportahan ng mga kamag-anak o kaya walang kamag-anak... the P1,000 social pension is the least we can give them," dagdag pa niya.

—Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT