Munisipyo ng Santo Tomas, Davao del Norte ila-lockdown dahil sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Munisipyo ng Santo Tomas, Davao del Norte ila-lockdown dahil sa COVID-19

Munisipyo ng Santo Tomas, Davao del Norte ila-lockdown dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

 | 

Updated May 30, 2021 04:40 PM PHT

Clipboard

Isasailalim sa 3 araw na lockdown simula Lunes ang municipal hall ng Santo Tomas, Davao del Norte.

Ito'y matapos mag-positibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng lokal na pamahalaan.

Pinalawig na rin ang suspensiyon ng operasyon ng mga opisina sa Santo Tomas municipal government, base sa utos ni Mayor Ernesto Evangelista.

Work from home muna ang karamihan sa mga manggagawa ng munisipyo maliban sa mga tauhan ng opisinang may kinalaman sa health services at disaster preparedness.

ADVERTISEMENT

Magiging virtual na rin ang pulong ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan, kasama ang Sangguniang Bayan.

Sa ngayon, may 396 COVID-19 cases ang bayan, kung saan 115 ang active cases.

Nitong mga nagdaang araw, ilang munisipyo sa iba-ibang panig ng bansa ang ini-lockdown matapos makapagtala ng mga kaso ng COVID-19. Maging ang ilang mga alkalde ay nagpositibo sa sakit.

Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal province.

--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.