Tulay pa-sentro ng Marawi, di pa nababawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tulay pa-sentro ng Marawi, di pa nababawi

ABS-CBN News
Published May 30, 2017 11:47 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Dalawa sa tatlong tulay papasok sa sentro ng Marawi, kasama na ang tulay ng Mapandi na may nakataas na bandila ng ISIS, ang hindi pa rin nababawi ng militar. Ito rin ang dahilan kaya hindi pa muling makuha ang sentro ng Marawi City mula sa grupong Maute.

Kumalat naman ang video ng paring hostage ng grupong Maute para ipanawagan ang pag-atras ng militar sa buong Lanao del Sur.

Nahihirapan ang mga awtoridad na muling angkinin ang tulay ng Mapandi dahil sa mga sniper na nakatago at naakabang sa sinumang lalabas o susubok na umabante.

Sa isang makipot na lugar na napaliligiran ng mga sniper, halos pagkaripas lamang ng takbo ang magagawa upang makatawid at makasandal sa pader na mapagtataguan.

Nagparamdam ang mga sniper ng grupong Maute nang binisita ng News team ang nasabing tulay na may nakadambanang mga bandila ng ISIS.

Upang makawala, binakbakan ng Marines ang puwesto ng mga sniper habang tumatakbo palayo.

Gayon din ang sitwasyon sa Bayabao bridge sa kabila. Ibig sabihin, hindi pa napapasok ng puwersa ng militar ang pusod ng siyudad.

Ayon naman kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division, na-breach na nila ang Mapandi bridge at tinanggal na ang mga posibleng pinagkabitan ng mga pampasabog.

"Na-clear na natin ang Mapandi Bridge kahapon. Libre nang pumasok ang forces paloob," ani Lt. Col. Herrera.

Hindi naman nag-iba ang hitsura ng tulay at nakahambalang pa rin ang mga harang sa daan nang mapadaan ang media kanina.

Paring hostage, may panawagan sa video
Kumalat sa social media ang video ng isang matanda na nakatayo sa gitna ng isang wasak na lansangan.

Kinumpirma ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ang lalaki sa video ay si Father Chito Suganob, ang paring hinostage ng grupong Maute mula sa simbahan ng St. Mary's sa Marawi noong unang araw ng pag-atake ng Maute.

Sa video, nananawagan siya sa pamahalaan na itigil na ang opensiba ng militar.

"Kung ganoon ang panawagan, ang presidente ang magdedesisyon noon. Kami, tuloy lang ang operasyon," ayon kay Herrera.

-- Ulat ni Chiara Zambrano, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
Chiara Zambrano
Maute
Marawi
Marawiclash
tagalog news
patrolph
chito suganob
mapandi bridge
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT