Lola patay matapos masagasaan ng motorsiklo habang tumatawid sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at May 29 2021 02:03 PM

Tumatawid ang biktima sa kalsada nang abutan at mabangga ng motorsiklo sa bayan ng Matanao sa Davao del Sur. Larawan mula sa Matanao Police

Patay ang isang 85 anyos na babae matapos masagasaan ng motorsiklo sa Davao del Sur, Biyernes ng hapon.

Tumatawid umano si Eriberta Famor sa kalsada sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Matanao nang mabangga ng motorsiklo na minaneho ng isang 29 anyos na driver.

Lumalabas din sa imbestigasyon na walang lisensya ang driver at hindi rehistrado ang motorsiklo nito.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Nasa kustodiya na ng Matanao Police ang driver at ihinahanda na ang kasong isasampa sa kanya.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.